BACOOR CITY | Hindi bababa sa 100 pares ang bibigyan ng
pagkakataong makapagpakasal sa darating na
Kasalang Bayan 2024 sa
ika-14 ng Pebrero.
Taunang isinasagawa ito ng pamahalaang
lungsod, sa pangunguna ni Mayor Strike
Revilla, para sa mga
mag-asawang nais magpakasal.
Para sa mga nais
mag-apply, isumite ang
mga sumusunod na
dokumento sa Local
Civil Registry Office na
matatagpuan sa Ground
Floor ng Bacoor Government Center:
- CENOMAR (Certificate of No Marriage)
- Birth Certificate
- Baptismal Certificate
- Barangay Clearance (Dapat Pareho o isa
sa dalawang ikakasal ay
residente ng Bacoor) - Valid ID
- 2×2 Picture
Inaasahan ng
pamahalaang lungsod
na maraming pares
ang makikilahok sa
Kasalang Bayan. Kaya
naman magpapatupad
sila ng “First Come, First
Serve.” policy kung saan
tanging ang unang 100
na pares na mag-aapply
ang makakakuha ng puwesto. | via City Government of Bacoor