Matagumpay ang pagkatutong bumasa ng 60 batang Imuseรฑong lumahok sa โTayo Naโt Magbasa! A Library Reading Program for Struggling Learnersโ ng Pampublikong Aklatan ng Lungsod Imus sa idinaos na pagbibigay-parangal nitong Huwebes, Agosto 8, 2024, sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
Bukod sa sertipiko ng pakikilahok, nakatanggap din ang bawat bata ng gift check na nagkakahalagang P500 mula kay Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Glian Ilagan at 20 token mula sa Tomโs World.
Binigyang-papuri din nina City Vice Mayor Homer โSakiโ T. Saquilayan, SK President Glian Ilagan, City Librarian Rosena Roman, at nina Tom at Joy ng Tomโs World ang kanilang naging pagpupursigi.
Samailalim ang mga nasabing bata sa tatlong linggong pagbabasa mula noong Hulyo 1 hanggang 18, 2024, sa tulong ng 97 SK Council mula sa iba-ibang barangay at mga guro mula sa iba-ibang pampublikong paaralan sa Imus.
Nais ding pasalamatan ng Pamahalaang Lungsod ang mga gurong sina Annalyn Espiritu ng Bukandala Elementary School, Wendy Tajantajan ng Alapan I Elementary School, Mary Ann Ramos ng Malagasang II Elementary School, at Sheryll Nalangan ng Malagasang I Elementary School.
Ang โTayo Naโt Magbasa! A Library Reading Program for Struggling Learnersโ ay taunang isinasagawa ng Pampublikong Aklatan ng Lungsod Imus para matulungan ang mga batang hirap bumasa.