Sa pangunguna ni Cong. Roy M. Loyola, kasama sina DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, Under secretary Atty. Juan Miguel Cuna, at Undersecretary Atty. Ignatius Rodriguez, ay nagkaroon ng isang makabuluhang pagtitipon tungkol sa presentasyon ng Lastic Global Incorporation. Ang Lastic GlobalIncorporation ay isang globally established eco-brand na nangunguna sa industriya ng paglikha ng 100% “home compostable” na reusable pa at safe na disposable consumer products (baso, plato, food containers,straw, atbp.), materyales at kumpletong solusyon. Layunin nito na bawasan ang paggamit ng plastic sa supply chain at ang carbon emissions sa global footprint. Sa pamamagitan ng kanilang fast fermentation technology, imbis na ilang daang taon, buwan lamang ang decomposition process ng mga produktong ito, kung saan maaari rin itong gawing fertilizer na malaking tulong sa ating kalikasan. Ito ay kaunaunahang ilulunsad sa Pilipinas sa Lungsodng Carmona, Cavite at kasalukuyan nang isinasagawa sa mga nangungunang bansa tulad ng Canada, Taiwan, Japan, Dominican Republic, at UAE. (City Government of Carmona)
๐จ๐ก๐๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐ง๐๐ ๐๐ก๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ง: ๐ง๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐๐ ๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง ๐๐ก ๐ง๐๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐ง๐ฅ๐ฌ ๐ง๐ข ๐๐๐จ๐ก๐๐ ๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐ข๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ข๐ฅ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ
