𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗥𝗠𝗢𝗡𝗔

Sa pangunguna ni City Mayor Dahlia A. Loyola at ng ating City Health Officer na si Dr. Homer Aguinaldo ang pamamahagi ng mga MISTING MACHINES sa lahat ng 14 na barangay sa City of Carmona. Ito ay upang magamit ng bawat barangay sa kanilang Vector Control Activity upang mapuksa ang lamok na nagdadala ng Dengue virus.

Ayon sa ating datos, mayroon po tayong naitalang clustering o pagkukumpol ng mga kaso ng dengue sa mga barangay gaya ng Maduya, Mabuhay, Milagrosa at Bancal. Kaya naman ay magpapatupad ang barangay na nabanggit ng regular Clean-Up Activity kasabay ng Vector Control Activity sa pamamagitan ng misting/fogging.

Maging mapagmatiyag sa banta ng Dengue at huwag kakalimutan ang 5S Kontra Dengue. Gawin nating dengue-free ang City of Carmona!

#Dengue#DengueFree#MistingMachines#VectorControlActivity#Fogging

#CityOfCarmona#LungsodNgCarmona

#LGUCarmona

#BayanMunaLagi#DapatAngatLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *