Isinagawa ang MR. GAD KATROPA (Menโs Responsibility on Gender & Development โ KAlalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa PAmilya) Seminar na dinaluhan ng mahigit 100 kalalakihan mula sa ibaโt ibang barangay ng Carmona.
Sa seminar na ito ay tinalakay ang mga makabagong pananaw tungkol sa mahalagang papel at responsibilidad ng kalalakihan sa kanilang pamilya at komunidad. Ilan sa mga kabilang na mga paksang binigyang-diin sa naturang aktibidad ay ang pagpapahalaga sa sariling kalusugan at ng kanilang pamilya, pagpaplano ng pamilya, pagpapanatili ng malusog at ligtas na pagbubuntis ng asawa, pag-iwas sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan, at aktibong partisipasyon sa kaunlaran ng lipunan.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang MR. GAD KATROPA Pledge o and Panata Ko Bilang Katropa, na pinangunahan ni Mayor Dahlia Loyola, bilang pagpapakita ng suporta sa adhikain ng seminar na ito.