Malugod ko pong ipinababatid sa lahat na ang City of Carmona ay isa sa mga kinilala sa Awarding Ceremony ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) Seal to Component Cities and Municipalities na ginanap ngayong araw sa The Bayleaf Hotel, City of Gen. Trias. Dito ay ating nakasama si Gov. Jonvic Remulla at ang iba’t-ibang alkalde ng lalawigan na nagpabatid ng mensahe ng suporta at pagbati.
Matatandaan na noong Hulyo 2024 ay idineklara ang City of Carmona bilang UNANG LUNGSOD sa CAVITE na may SIPS Status alinsunod sa Department of the Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.
Patuloy po tayong makikiisa sa iba’t-ibang ahensya para patuloy nating masigurado ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
#SIPS#DILG#StableInternalPEaceAndSecurity