Maayos na naisakatuparan ng Local Economic Development and Investment Promotions Officer (LEDIPO) ang unang araw ng Digital Strategy Session para sa mga napiling potensyal at akreditadong OTOPreneurs ng Lungsod ng Imus, kasama ang Imus City Chamber of Commerce, Inc. (ICCCI), nitong Martes, Hunyo 3, 2025, sa New Imus City Government Center.
Inilahad ni Vice-Chairperson Dennis Paguio ng Filipino Online Professional Service Cooperative sa 32 na OTOPreneurs ang paksa ukol sa โBrand Identityโ na naglalayong masanay at makilala ang mundo ng digital marketing.
Magsasagawa pa ng dalawang sesyon ang LEDIPO patungkol sa โSocial Media Marketing Strategyโ at โGraphic Design for Social Mediaโ bilang bahagi ng Digital Strategy Session.
