π—Ÿπ—”π—¨π—‘π—–π—›π—œπ—‘π—šΒ  π—‘π—šΒ  π—£π—”π—Ÿπ—˜π—‘π—š-𝗀π—₯ 𝗣𝗛 π—£π—Ÿπ—¨π—¦Β  𝗦𝗔 𝗖𝗔π—₯𝗠𝗒𝗑𝗔

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona at Office of the Municipal Treasurer at sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG Philippines), idinaos ngayong araw ang Launching ng Paleng-QR PH Plus sa Carmona sa Carmona Public Market. Ipinagmamalaki ko pong ang Carmona ang pinakauna sa lahat ng siyudad at munisipalidad sa Region IV-A at Region IV-B na mag-aadopt ng Paleng-QR PH Plus program.

Maraming salamat po sa lahat ng nakasama ngayong araw na sina Dir. Ellen Joyce L. Suficiencia ng BSP,  Atty. Tomas J. CariΓ±o, Jr. ng BSP South Luzon Regional Office, Atty. Dennis A. Gamaya  ng BSP Lucena, at ARD Noel Bartolabac, CESO V ng DILG CALABARZON.

Ang Paleng-QR PH Program ay isang programa na dinevelop ng BSP at DILG na naglalayong bumuo ng digital payments ecosystem sa ating bansa sa pamamagitan ng cashless payments sa ating mga palengke at mga pampublikong transportasyon gaya ng mga tricycle.

Ito ang patunay na ang Carmona ay bukas sa iba’t-ibang klase ng innovations para sa ikauunlad ng mga mamamayan. Kaya tara na at makiisa sa Paleng-QR PH Plus!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *