Isang makasaysayang araw, ika-16 ng Agosto 2023. Ginanap ngayong umaga ang groundbreaking ceremony ng bagong Carmona City Hall.
Nagsimula ang Carmona sa isang payak na munisipalidad at mula sa maayos nating pamamahala, pagkakaisa at pagtutulungan ay malayo-layo na rin ang ating narating. Ang pagtatayo ng bagong City Hall para sa Carmona ay simbolo ng mas maunlad at progresibong kinabukasan, kung saan mas maraming serbisyong pampubliko ang maibibigay sa mga mamamayan na sasabay at aayon sa makabagong panahon.
Maraming salamat sa SM Prime at SM Development Corporation sa tiwala na inyong binigay sa Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Chairman of the Board and CEO Mr. Henry T. Sy, Jr., SMDC President Mr. Jose Mari Banzon, Executive Vice President Ms. Grace Sta. Ana, Assistant Vice President and Cluster Head for Business Development Ms. Jica Sy, Vice President for Project Development Ms. Susan Nicdao, at si Atty. Epitacio Borcelis.