Inilahad ni Konsehal Yen Saquilayan โ Committee Chairperson on Social Services, Family, Women, Children, and Elderly โ ang mga napagtagumpayan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa nakalipas na taon para sa ikaaangat ng buhay ng mga batang Imuseรฑo nitong Lunes, Nobyembre 25, 2024, na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ng konsehal ang kahalagahan ng pagtutulungan at ang papel na ginagampanan ng pamahalaan para masiguro ang wastong paglaki ng mga bata.
Natunghayan din ang inihandang audio-visual presentation ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), sa pakikipagtulungan sa City Information Office, na nagpapatunay sa suporta ng pamahalaan sa apat na aspeto ng buhay ng mga bata: ang child survival, development, protection, at participation.
Nagbigay rin ng isang espesyal na mensahe si Officer-in-Charge Larry Monzon ng Office of the City Administrator bilang kinatawan ni City Mayor Alex โAAโ L. Advincula, habang nagpahayag din ng pagsuporta si City Local Government Operations Officer Joseph Ryan Geronimo.
Nagpahayag din ng suporta sina Vice Governor Shernan Jaro, Konsehal Darwin, Remulla, Sangguniang Kabataan Federation President Glian Ilagan, child development workers, mga opisyal ng barangay, mga guro at estudyante, barangay health workers, miyembro ng LCPC, at Provincial Council for the Protection of Children sa kanilang pagdalo sa naturang programa.
Ipinagdiriwang ang National Childrenโs Month kada taon tuwing Nobyembre, alinsunod sa Republic Act No. 10661.