Sa muling pagsasagawa ng Job Matching Activity ng Imus Public Employment Service Office (PESO), 438 aplikante ang nagpasa ng aplikasyon sa 22 kumpanya kahapon, Hulyo 30, 2025, na ginanap sa Robinsons Imus.
Sa pagtatapos ng araw, hindi bababa sa 146 na aplikante ang masuwerteng natanggap agad, habang 370 naman ang kwalipikado.
Nagbigay rin ito ng pagkakataon sa mga aplikante upang masagot ang kanilang mga katanungan ukol sa mga serbisyo at benepisyong ibinibigay ng SSS at Pag-IBIG Fund.
Ang Job Matching Activity ay isa sa mga programa ng Imus PESO na layong matulungan ang mga Imuseรฑong makahanap ng trabahong swak sa kanilang kakayahan.
