Mahigit 100 guro at mag-aaral ang dumalo sa pormal na pamamahagi ng mga laptop at uniporme ng Department of Education (DepEd) – Schools Division Office Imus, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa General Tomas Mascardo National High School noong Enero 17, 2026, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.
Ang aktibidad ay bahagi ng Open High School Program ng DepEd na layong palakasin ang kakayahan ng mga guro at mag-aaral sa paggamit ng makabagong teknolohiya at maayos na kagamitan.
Sa naturang distribusyon, tumanggap ang mga guro ng bagong laptop upang higit na mapadali ang kanilang pagtuturo, habang ang mga mag-aaral ay nabigyan ng uniporme na magagamit sa kanilang pang-araw-araw na pagpasok sa paaralan.
