Mahigit 500 katao ang nakiisa  sa Run for Healthy Lungs

DASMARIÑAS | Mahigit 500 katao ang nakiisa sa Run for Healthy Lungs fun run ng Department of Health (DOH) noong Sabado, Agosto 12.

Katuwang ang DOH Center for Health Development Calabarzon at pamahalaang lungsod ng Dasmariñas, layon nitong maitaas ang kamalayan ukol sa kahalagahan ng pagsunod sa malusog na pamumuhay tulad ng page-ehersisyo at pagkonsulta para sa mahaba at magandang kalidad ng buhay.

Nagbukas rin ang ahensya ng isang mobile x-ray booth para sa mga kalahok na nais magpakonsulta nang libre. Nagmahagi naman ang DOH ng mga premyo para sa mga podium finisher mula sa 5KM at 10KM categories, habang medalya at sertipiko naman ang nakuha ng iba pang tumakbo.

Laking pasasalamat naman ang ipinaabot ng DOH sa De La Salle University-Dasmariñas, pamahalaang lungsod ng Dasmariñas sa pangunguna ni Mayor Jenny Austria-Barzaga, Provincial Health Office at Provincial DOH Office, National Tuberculosis Program, Non-Communicable and Infectious Disease program, at Health Promotion Bureau. | City of Dasmariñas Health Education and Promotion

Unit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *