Pormal na tinangap ng Calamba City Police Station ang 5 mobile patrol jeep, 2 police vehicle at 4 na motorsiklo na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Calamba upang makakatulong sa pagpapatupad ng kaayusan at seguridad sa lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Roseller “Ross” H. Rizal ang ceremonial turn over ng mga bagong sasakyan sa kapulisan at nagparating ng kanyang suporta sa mga adhikain ng Calamba PNP. Dinaluhan nina
PNP IV-A Regional Director PBGEN Jose Melencio Nartatez, Jr. at Calamba City Police OIC PLTCOL Milany Martirez ang programa.
Ayon kay Gen. Nartatez, makakatulong sa operasyon ng mga pulis ang bagong sasakyan upang kaagad maka-responde sa oras ng sakuna at mapatupad nang maayos at epektibo ang kanilang mga mandato at serbisyo.