DOLE-TUPAD: TULONG PANGHANAPBUHAY PARA SA MGA DISADVANTAGED/DISPLACED WORKERS

Strike Gymnasium, April 11, 2024 – Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap natin, isang mabuting balita ang dala ng DOLE, LGU ng Bacoor, at opisina ni Cong. Lani Mercado Revilla para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong panghanapbuhay. Kasama ang suporta nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at ang presensya nina BM Ram Revilla, Coun. Alde Pagulayan, Coun. Obet Advincula, at Coun. Mike Solis, malaking hakbang ito para sa ikabubuti ng mga manggagawang nangangailangan.

Mayroong 1003 na mga beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay na tumanggap ng tulong mula sa DOLE TUPAD Pay-Out. Ito ay malaking tulong, lalo na sa panahon ng pandemya, para sa mga nawalan ng trabaho o kita dahil sa iba’t ibang dahilan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla, tinanggap ng mga beneficiaries ang kanilang sweldo mula sa programa. Ito ay patunay na ang serbisyo at malasakit ni Cong. Lani Mercado Revilla ay hindi lamang limitado sa kanyang opisina, kundi umaabot sa mga nangangailangan sa ating komunidad.

Nagbahagi rin si Congresswoman Revilla ng mga mahahalagang anunsyo tulad ng Revilla Law, Centenarian Law, pagpapatupad ng liquor ban at curfew, at mga update tungkol sa Pertussis Outbreak, Fire Safety, at El NiΓ±o.

Sa kabila ng mga hamon na ating kinakaharap, patuloy tayong umaasa at nagtutulungan upang malampasan ang mga ito. Sa tulong ng mga programa tulad ng DOLE-TUPAD, kasama ang ating mga pinuno, tiyak na makakamit natin ang ating mga pangarap at magtatagumpay sa mga hamon ng buhay.

-City Government of Bacoor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *