Cavite Career Caravan, nagtungo sa Imus para sa mga Imuseñong naghahanap ng trabaho

TINGNAN: Inilapit ng Cavite Career Caravan ang humigit-kumulang 8,000 job vacancies sa mga Imuseñong naghahanap ng trabaho noong Biyernes, Abril 5, 2024, sa Robinsons Imus.

Sa 244 na aplikante, 17 rito ang natanggap agad sa trabaho. Nakasama rin ang 43 kumpanya at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Kasabay nito ay ginanap ang isang Career Coaching, kung saan natutunan ng mga dumalo kung paano magsulat ng professional resume, paano sumagot nang maayos sa mga job interview, at paano maiiwasang maging biktima ng mga illegal recruiter.

Ang Cavite Career Caravan ay pinangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pagtutulungan ng Cavite Provincial Public Employment Services Office (PESO) sa Cavite Sangguniang Kabataan Federation at sa Imus PESO ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

(Photos by: Imus CIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *