Lubos ko pong ipinagmamalaki na atin pong pinangunahan ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng ating bagong Carmona Operations Center para sa ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection Carmona.
Maraming salamat po sa ating mga nakasama tulad nina DILG CALABARZON Regional Director Ariel O. Iglesia, CESO III, BFP Region IV-A Regional Director FCSUPT Jaime Dollente Ramirez, at OCD IV-A Assistant Regional Director Reyan Derrick Marquez, at DILG Provincial Director Lionel L. Dalope.
Marami na po tayong napagtagumpayan sa Disaster Risk Preparedness at ang patunay nito ay ang ating pagiging 3-Time Gawad Kalasag Awardee. Ngunit hindi po tayo natatapos dito, dahil ang pagtatayo ng ating Carmona Operations Center ang magsisilbing mata ng katahamikan sa ating Bayan. Tuloy-tuloy na po ang pag-unlad ng ating Bayan bunga ng mga empowered at active na mga sectors sa Carmona.