SENADOR BONG REVILLA JR., NAMAHAGI NG TULONG SA MGA NAAPEKTUHAN NG SUNOG SA BACOOR, CAVITE

Namahagi ng tulong si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa mga residenteng nasunugan sa Bacoor, Cavite upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng sunog.

Mula kay Revilla, naabutan nito ng “hot meals” ang mga residenteng pansamantalang nakatuloy sa iba’t ibang evacuation centers.

Nagbigay rin ang Senador ng mga damit at tsinelas upang pansamatalang magamit ng mga biktima ng sunog, lalo na yung mga wala talagang naisalbang gamit.

Taos-puso naman na nakikisimpatsya si Revilla sa kaniyang mga kababayan at patuloy nitong pinagdarasal ang kanilang kaligtasan.

Samantala, nagpa-abot na rin ng tulong ang ilang ahensya ng gobyerno sa mga nasunugan kung saan gagamitin ang nalikom na pondo para maipatayo ng pansamantalagang tirahan sa mahigit isang libong nawalan ng bahay at pangdagdag tulong medikal sa mga naging biktima ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *