STA. CRUZ, Laguna – Sa pamumuno ni Gobernador Ramil L. Hernandez ay naisakatuparan ang pagdiriwang ng 100th Founding Anniversary ng Laguna Medical Center (LMC) sa bayan ng Santa Cruz nang ika-26 ng Pebrero 2024.
Dumalo at nakiisa si Senador Christopher Lawrence โBongโ Go bilang panauhing pandangal, kung saan isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa pagamutan na simbulo ng katatagan sa pagbibigay ng serbisyong medikal ng institusyon, ganun na rin sa mga kawaning nag-sasakripisyo at nag-aalay ng kanilang buhay sa pagseserbisyo.
Tampok din sa programa ang pagbisita ng senador sa newly renovated na Malasakit Center. Matatandaang siya ang principal sponsor at author ng Malasakit Center. Dito pinag-isa ang mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office para maging mabilis ang pagbibigay ng tulong medikal.
Kanyang binati at pinasalamatan ang mga doktor, narses at kawani ng pagamutan. Nagbigay din sya ng libreng lugaw sa mga kawani at pasyente, samantalang nagpasalamat naman si Gob. Hernandez sa dedikasyon ng mga kawani sa pagamutan ganun din ang pasasalamat niya kay Senador Bong Go dahil sa mga suporta nitong binibigay sa lalawigan.
Sumuporta naman sina Bise Gobernador Atty. Karen Agapay, mga Bokal, Provincial Admin. Atty. Dulce Rebanal, Dr. Rene Bagamasbad ng PHO, mga doktor mula sa siyam na pan-distritong pagamutan ng lalawigan, Dr. Judy Rondilla ng LMC, mga pinunong tanggapan at marami pang iba. Samantala, pinasinayaan din ang eksibit at isinagawa na rin ang pag-gagawad ng mga nagwagi sa Likhang Sining ng Guhit at Kulay na bahagi pa din ng naturang programa. (Laguna PIO)