Ipinapaalam ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na hindi ito naglabas ng 150-peso denomination banknote kung saan natatampok si Dr. Jose Rizal. Ayon sa bangko, ang mga larawan ng nasabing pera, na kasalukuyang kumakalat sa social media, ay kathang-isip lamang.
Pinapayuhan ang publiko na laging suriin ang pagiging lehitimo ng impormasyong makikita sa social media at iba pang channgels tungkol sa mga banknotes at barya ng Pilipinas. Upang ma-verify, maaari umanong bisitahin ang Notes and Coins section sa opisyal na website ng BSP na www.bsp.gov.ph.
Hinihikayat rin ng BSP ang publiko na iulat ang mga taong sangkot sa paggawa at/o pamamahagi ng pekeng pera ng Pilipinas sa BSP Payments and Currency Investigation Group sa email address pcig@bsp.gov.ph o sa pamamagitan ng mga numero ng telepono +63-2-8988- 4833 at +63-2-8926-5092. (GO CAVITE)
