CALAMBA CITY POLICE STATION INILUNSAD ANG PNP ALERT BUTTON

Inilunsad ng PNP Calamba Component City Police Station, na pinamumunuan ni Chief of Police PLTCOL Milany E. Martirez, ang PNP Alert Button. Isa itong mobile application na may kakayanan magpadala ng emergency alert SMS sa mga awtoridad sa pamamagitan lamang ng isang click. Ang Calamba ang kaunaunahang lungsod o bayan sa Laguna na maaring gumamit nitong PNP SMS alert button application.  Maaari itong idownload sa Google Play Store para sa mga Android users.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal na ang teknolohiya ng app na ito ay makakatulong panatiliin ang kaligtasan ng mga Calambeño sa oras ng pangangailangan. Binigyan diin naman ni Calamba CCPS Chief of Police PLTCOL Milany E. Martirez ang kahalagahaan ng mabilis na pagtugon ng mga ahensiya tulad ng PNP, BFP, at CDRRMD kapag may krimen o sakuna.

Samantala, binasbasan ni San Vicente Ferrer Parish Priest Rev. Fr. Mardeo Reyes ang bagong Police Community Response Mobile (PCRM) Box na naglalayon ilapit sa mga mamamayan ang serbisyong hatid ng PNP. Sa pamamagitan ng PCRM box, mas madali nang makakaresponde ang mga pulis sa kumunidad.

Dumalo sa programa sina Laguna NAPOLCOM 4A Provincial Officer Atty. Mia Antonette Quijano; Laguna Provincial Police Office (PPO) Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL Arnel Pagulayan; at Deputy Provincial Director for Admin PLTCOL Franco Alex Reglos, na nagsilbi rin bilang kinatawan ni Laguna PPO Acting Provincial Director PCOL Gauvin Mel Unos.        MARRA VILLEGAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *