Kalunos lunos ang sinapit ng 4 na a magkakapatid, makaraang walang Awang patayin ng umanoy dyowa ng ina nito dahil umano sa selos, sunod ay nagsaksak na rin ang suspek sa sarili sa Barangay Cabuco Trece Martirez City Cavite. Kinilala ang mga biktimang duguan at wala ng buhay ng matagpuan sa kanilang kuwarto ay nakilalang sina Maria 14 anyos , Bianca Rose Bisa 10 taong gulang, Jackilyn Joy Bisa 8 at Conrad Bisa 6, pawang mga residente ng Barangay Cabuco ng nasabing lungsod . Samantalang patay din ang suspek na step father ng mga biktima matapos na magsaksak sa sarili pagkatapos ng ginawang pagmasaker sa mga biktima na nakilalang si Felimon Galisangga Escalona 38 anyos tricycle driver residente din ng nasabing lugar at kinakasama ng ina ng mga biktima. Sa nakalap na ulat mula kay PCol Jonathan Aznan hepe ng Trece Martinez CPS Dakong alas 12:35 ng tanghali ng makatanggap ng tawag ang Trece Police mula sa mga Barangay opisyal ng nasabing lugar hinggil sa may kaguluhan umano sa bahay ng mga biktima. Pagdating ng pulisya sa Summer Homes Barangay Cabuco Trece Martirez nakapadlock ang gate ng nasabing bahay kung kaya ginamitan ito ang volt cutter upang mabuksan. Pag pasok sa mga kuwarto ng magkakapatid ay dito na bumungad ang mga duguang katawan ng mga biktima na tadtad ng mga saksak. Nabatid sa mga kapit bahay na nakarinig umano sila ng sigawan at iyakan dito kung kaya humingi sila ng tulong sa Barangay at pulisya. Sa pagsisiyasat ng pulisya Isang OFW ang ina ng.mga bata at 2022 ng magkakilala ang suspek at nag ina hanggang sa Oct 2022 hanggang sa umalis ang ina patungong Saudi at dito ipinagkatiwala ng babae ang mga anak sa suspek.(MARGIE BAUTISTA)