1k housing units sa cavite, ipapamahagi sa mga sundalo,pulis-pbbm

Magpapatupad ang pamahalaan ng pilot shelter program para sa mga sundalo at opisyal ng pulisya sa bansa kung saan 1,000 housing units ang planong ipatayo sa Cavite, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules.

Sa naging panayam ng media, sinabi ni Marcos na bahagi ito ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na mamuhunan sa kapakanan ng mga unipormadong tauhan ng bansa upang matutukan nila ang epektibong pagganap ng kanilang mga tungkulin.

“We have to help them with their housing because again, I, in my view, whatever it is, whatever efforts we put into this is an investment. It’s not a financial investment. It’s just an investment in the well-being of our uniformed personnel,” pahayag ng pangulo.

Sa ilalim ng pilot program, sinabi ni Marcos na nasa 500 housing units ang itatayo para sa militar, at ang iba pang 500 ay para sa Philippine National Police.

Ipinunto niya na ang gobyerno ay kailangang gumawa ng isang financing scheme na angkop sa pulisya at militar dahil sa kanilang madalas na paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa.

Ibinahagi rin niya na nakipagpulong siya kay Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Andres Centino, Housing Secretary Jose Acuzar at Cavite Governor Jonvic Remulla sa Malacañang noong Martes para gumawa ng scheme o sistema para sa mga pangangailangan sa pabahay ng mga sundalo at pulis.

“We are starting now to put together the system wherein they can be included in the financing system not only with public banks but also with private banks for this,” ani Marcos.(go cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *