Labing Pitong mga opisyal at miyembro ng Cavite Samaritans Eagles Club ang sinampahan ng kasong paglabag sa Anti Hazing Law dahil sa pagkamatay ng isa sa kanilang “miyembro” sa isinagawang hazing sa Imus City, Cavite. Kasong paglabag sa RA 11053 (An act prohibiting Hazing and Regulating Other Forms of Initiation Rites of Fraternities, Sororities, and Other Organization, and Providing Penalties for Violation Thereat” ang isinampa sa Office of the City Prosecutors Office ng Imus City noong Huwebes (March 23) ng mga magulang ng biktimang si Glen Albert Aguinaldo Binoya, na humihingi ng hustisya sa pagkamatay nito matapos ang ilang buwan nilang pananahimik. Kinondena naman ni Cavite Provincial Director, Police Colonel Christopher F. Olazo ang pangyayari matapos narinig at nakita ang video sa Facebook ang nasabing initiation rites at ipinag-utos nito sa Chief of Police ng Imus City Police Station na magsagawa ng malalimang imbestigasyon, parusahan at ikulong kung may pananagutan, makipagtulungan sa pamilya ng biktima at magbigay ng tulong. Maging ang Cavite PNP ay kinondena ang anumang klase ng hazing na nalalagay sa alanganin ang buhay ng isang indibidwal at hinikayat ang anumang organisasyon , lalong-lalo na ang mga fraternities at sororities, na itigil ang nakasanayan na hazing bagkus tangkilikin ang halaga ng teamwork at camaraderie. Matatandaan na January 8, 2023 nang nagsagawa ng initiation rites ang grupong Cavite Samaritans Eagles Club sa Southdale International School sa NIA Road, Imus City, Cavite. Bahagi ng isang pagiging miyembro ng isang aplikante na sasailalim sa initiation rites kabilang ang calisthenics o physical activities sa gitna ng sikat ng araw. Sinasabing humingi umano ng tubig ang biktima habang nakakaramdam ng matinding sakit sa ulo na nagresulta ng “lock-bite bleeding” at pagdurugo ng bunganga. Isinugod pa ang biktima sa Ospital ng Imus kung saan saan na-diagnosed na Acute Intraparenchymal hemorrhage, pons with extensions and minimal surrounding perilesional edema. . Inilipat ang biktima sa Imus Doctors Hospital noong March 9, 2023 kung saan namatay at ang sanhi ng kanyang kamatayan ay Cerebrovascular accident; Pontine Hemorrhages. (MARGIE BAUTISTA)