Noong November 15, 2025 sa The Manila Hotel, Malate, Manila nagpaunlak si PhilHealth President and CEO Dr. Edwin M. Mercado sa imbitasyon ng Philippine College of Hospital Administrators (PCHA) Inc. para sa kanilang 50th Annual Convention. Sa talumpati na ginanap sa convention, ibinahagi niya ang strategic direction ng PhilHealth at ang mahalagang papel ng mga hospital administrators sa pagpapatatag ng health care delivery at pagtiyak na ang benepisyo ay naibibigay nang maayos sa punto ng serbisyo.
Patuloy ang aktibong pakikipag-ugnayan ng PhilHealth sa PCHA at sa iba pang sektorโisang kolektibong hakbang tungo sa mas pinagkaisang leadership, mas mahusay na pamamahala, at mas matibay na Universal Health Care para sa bawat Pilipino.
