PUBLIC ADVISORY :
Ipinababatid po sa lahat na nakakasaksi ng
tila FOG o HAMOG na nasa ating paligid. Ito po ay
Volcanic Smog, inaabisuhan na maging mapagmasid at gawin ang mga kaukulang paghahanda
patungkol sa ibinubugang usok ng Bulkang Taal
na maaring makaapekto sa kalusugan lalot higit
sa may kasalukuyang karamdaman.
Ang volcanic smog ay isang mapanganib
na kombinasyon ng gas at maliit na particulate
matter na resulta ng aktibidad ng bulkan. Maari
itong magdulot ng problema sa paghinga at iba
pang sakit sa kalusugan, lalo na sa mga mayroong mga existing na kondisyon sa baga.
Narito ang ilang hakbang para pangalagaan
ang inyong kalusugan:
1 Manatili sa Loob: I-limit ang mga outdoor
na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
2 Magsuot ng Face mask :Magsuot ng Face
mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang
mabawasan ang paghinga ng makakasamang
particulate matter.
3 Isara ang mga Bintana: Palakasin ang pagsara ng mga bintana at pinto upang maiwasan
ang pagpasok ng volcanic smog sa inyong tahanan.
4๏ธ Manatili Sa Labas ng Panganib: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at
tagubilin ukol sa kaligtasan.
Ang inyong kaligtasan ay mahalaga sa amin.
Mangyaring ibahagi ang babalang ito sa inyong pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay.
Magtulungan tayo upang manatiling ligtas.