TRECE MARTIRES CITY | Inaasahang magiging mas maigting pa ang kampanya ng pamahalaang panlalawigan kontra Tuberculosis (TB) matapos pasinayaan ang pinakaunang TB Culture Laboratory sa Calabarzon noong Agosto 30.
Layon ng TB Culture Laboratory na matatagpuan sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) na makapagbigay ng mas mataas na antas ng TB diagnosis at treatment.
Dinaluhan nina Department of Health Infectious Disease Unit Head, Dr. Eva Marie Torio, Arnyl Araneta, Program Director ng ACCESS TB Project, at Provincial Health Officer Dr. Jonie John Dalisay inagurasyon ng nasabing pasilidad.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan Provincial Administrator Alvin Mojica ang mga sumuporta sa pagkakaroon ng karagdagang healthcare facility sa kanilang lalawigan. Ayon sa pamahalaang panlalawigan, malaking tulong ang TB Culture Laboratory upang mapagbuti ang kanilang mga serbisyong medikal para sa mga Caviteรฑo.(PIA-Cavite)