CALAMBA CITY, Laguna – Namahagi si Senador Imee Marcos ng tig P3000 food assistance para sa 1,000 mga taga Calamba sa ilalim ng programa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na ginanap naman sa Jose Rizal Coliseum sa lungsod na ito nang ika-18 ng Oktubre 2023.
Suportado ang programang ito ni Senador Imee nina Gobernador Ramil L. Hernandez, Congresswoman Ruth Mariano Hernandez, Bise Gobernador Atty. Karen Agapay, Calamba City Mayor Roseller “Ross” Rizal, at iba pang opisyal ng lungsod.
Kabilang sa binigyan ng naturang food assistance ay mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), PWDs, solo parents at mga senior citizen.
Nang ika-16 ng Oktubre ay sa bayan ng Santa Cruz naman namahagi ng tulong sa 1,000 ding benepisyaryo ang senador, na sinuportahan din nina Gob. Hernandez, Cong. Ruth, VG Atty. Agapay, at Sta. Cruz Mayor Edgar San Luis.
Magpapatuloy ang pamamahaging ito para sa mga higit na nangangailangang Pilipino sa bansa.
(J. Coroza, photo: Jun Sapungan/Laguna PIO)