Sen. Legarda nagdaos ng medical mission, namahagi ng cash assistance sa Tagaytay

Umabot sa 384 residente ng Tagaytay City, Cavite ang nakatanggap ng tulong medikal sa idinaos na Lingkod Loren Medical Mission ni Senator Loren Legarda sa lungsod nitong Biyernes, Nobyembre 10.

Nakatanggap ng dermatological consultation, mole and warts removal, at minor removal ng cysts ang mga mahihirap na residente ng lungsod, sa pakikipagtulungan ng Beauty Beyond Borders Foundation; habang may mga nabigyan din ng wheelchairs at maintenance medicines.

332 benepisyaryo naman ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD, na isa ring inisyatibo ni Legarda.

May mga nakatanggap din ng livelihood packages mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa dressmaking, welding, at street food selling.(PIA-Cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *