Relocation plan, NAKAHANDA NA PARA SA MGA MADIDISPLACE SA BATAAN-CAVITE BRIDGE

Ayon sa Department of Public Works and Highways, nakahanda na ang mga relocation plan para sa mga residenteng apektado ng konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge.

Aabot sa 149 na pamilya ang apektado sa planong pagtayo ng tulay na magdudugtong sa dalawang probinsya: 100 na pamilya mula Naic at 49 mula Bataan.

Sa isang panayam kay DPWH Undersecretary Teresita Bauzon, isinaad niya na magsasagawa ang ahensya ng resettlement action plan para sa lahat ng madidisplace ng proyekto.

Bukod rito, pinupunterya ng pamahalaan na bayaran ang mga masasagi ng proyekto at bigyan sila ng maayos na malilipatan sa tulong ng National Housing Authority.

β€œYung mga affected land, households, structures, lahat po yan ay babayaran accordingly. For now finafinalize pa yung mga maaapektuhan sa project na ito,” sabi ni Bauzon.

Sinasabing mapapaikli ng Bataan-Cavite Bridge ang oras ng byahe sa pagitan ng dalawang probinsya sa loob ng isang oras at mapapamura ang presyo ng paghatid ng mga produkto at serbisyo sa buong Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *