PINATUYONG DAHON NG MARIJUANA, NA IBINALOT SA PANREGALONG PAMASKO NASABAT

Nasa 660k halaga ng pinatuyong dahon ng Marijuana na galing pa ng Benguet
province ang nasamsamn makaraaang maaresto sa isang buy bust operation sa Brgy Ligtongg 3 Rosario, Cavite Kinilala ang mga naaresto na si alyas ‘Jhay’ at alyas ‘Raymund’, na kapwa nasa listahan ng High Value Individual (HVI). Base sa report ni PCpl Mark Joseph H. Sarabia ng Rosario Police Station , dakong alas 11:30 ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang Rosario Municipal Police Station, Cavite Police Provincial Office (PPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing lugar sa Rosario, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Ang operasyon ay ikinasa bunsod
sa natanggap na impormasyon na ipinapadala ang mga hinihinalang epekto sa pamamagitan ng courier services na tinatanggap ng mga suspek at binabayaran ito sa pamamagitan ng GCash at ginagawang panregalong pamasko upang hind imaging kaduda-duda. Narekober mula sa mga suspek ang anim na pirasong pinatuyong dahon ng marijuana na isinilid sa isang stretch film plastic at tumitimbang ng humigit kumulang sa 5,500 gramo na may street value na P660,000.00, buy bust money, isang cellular phone, at isang itim na SB Nike bag pack. Sinabi ng mga suspek na kinukuha nila ang nasabing epektos na galing Benguet province mula sa isang kilala at nakakausap lamang nila sa isang social media account na dummy. Ipinapadala ng source ang mga droga sa mga kilalang courier company at idedeliver sa kanila ng courier rider. Magsasagawa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa courier company nang nalaman na umano’y halos dalawang taon nang ginagawa ito ng
mga suspek. MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *