Ang parangal na ito ay hindi lamang po para sa akin, kundi para rin ito sa lahat ng mga gaya kong manunulat ng mga teleserye, na kahit kailan, liban sa napakahalagang okasyon na ito, ay hindi man lang nagagawaran ng kahit na anong parangal at pagkilala” pahayag ni Bb. Suzette S. Doctolero, nang tinanggap niya ang KWF Gawad ng Panitikan 2023 sa Lucky Chinatown Hotel, Binondo, Lungsod Maynila, 27 Abril 2023. Naging makasaysayan ang KWF Gawad ng Panitikan 2023 dahil ito ang nagging daan upang kilalanin ng KWF ang ambag ng manunulat ng teleserye sa telebisyon particular na ang may mga temang pang kultura na na kaugat sa panitikan ng bansa. Isa ring makasaysayan ang Buwan ng Panitikan 2023 dahil muling isang babae ang tinanghal na KWF Makatang Taon 2023 na si Mikka Ann V. Cabangon. “Ang pagsusumikap nga ting mga kapatid na mga katutubo sa pagsulong, pagpapasigla, at pag papanatiling kanilang sining at kultura ay dapat mas lalo pa nating pagsumikapan bilang isang bayan,” pagbabahagi ni Binibining Cabangon. Nagtalarin ng kasaysayan sa larangan ng panitikanang KWF sa pagkakaloob kay Dennis Rhoneil C. Balan bilang kauna-unahang nabigyan ng gawad sa KWF Tulang Senyas 2023. Naniniwala si Ginoong Balan na ang mga bingi ay makapagbabahagi ng kanilang talent sa pagtula at iba pang akdang pampanitikan sa kabilang kanilang kalagayan. Patuloy ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pagsusulong, pagtataguyod, at pagpapauswag sa paggamit ng Filipino bílang Wikang Pambansa hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubong Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Pilipino. Patuloy rin nanangunguna ang KWF sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at pagpapayaman ng wikang Filipino habang pinangangalagaan ang mga wikang katutubong Pilipinas.###