Noong March 30,2023 ay binalikan ni Mayor Eric Olivarez ang mga residenteng naapektuhan ng magkasunod na sunog sa Regalado De Guzman St. noong Marso 26 at Quirino Avenue noong Marso 27 sa Barangay Don Galo. Umabot sa 72 pamilya ang nabigyan ng agarang tulong ng lokal na pamahalaan ng Paraรฑaque at nakatanggap ng hygiene kits, banig, kumot, bigas at food packs. Bukod dito, nagmahagi rin ng tulong pinansiyal ang butihing ama ng lungsod. Kasama ang kawani ng City Social Welfare Development Department sa ilalim ni Ms. Vivian Gabriel upang makakuha ng ayuda ang mga nasunugan mula sa City Social Amelioration Program para unti-unti silang makabangon sa pinsalang dulot ng sunog. Tiniyak ni Mayor Eric na muling babalik ang mga kawani ng lokal na pamahalaan upang mamahagi ng construction materials para sa mga lot owners. Katuwang rin sa paghahatid ng mga nabanggit na tulong ang General Services Office sa ilalim ni Ms. Josephine Mary Centena, Barangay Don Galo Captain Marilyn F. Burgos at mga opisyales ng nasabing barangay.(Michelle/Mark)