Launching ng basura, palit bigas, atbp

Gawin nating BIGAS ang inyong mga BASURA!

Sa pangunguna ni Mayor Dahlia Loyola,  ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at ng Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Carmona, Inc. (SNKCI), matagumpay na inilunsad ang BASURA PALIT BIGAS, ATBP.

Gawin nating bigas at iba pang mga rewards ang mga basurang may pakinabang gaya ng papel, plastik, bote, at bakal at ilagak sa pinakamalapit na Materials Recovery System (MRS) sa inyong mga barangay. Huwag kalimutang gamitin ang bagong PASSBOOK na makukuha sa SNKCI para i-record ang inyong transaksyon. Gamit nito ay maaaring makapag-redeem ng isang (1) kilong bigas at ang chance na makakuha ng RAFFLE ITEMS mula sa Basura Palit Bigas, Atbp. Program ng CENRO at SNKCI. Para sa karagdagang impormasyon ay dumulog lamang sa Tanggapan ng CENRO at ng SNKCI.

Kasabay ng Launching ng programa, ay namahagi rin po tayo ng mga pedicab at MRS para makatulong sa mga programa ng SNKCI. Ito po ay isang panibagong yugto sa ating landas para sa mas malinis at magandang Carmona. Dahil sa City of Carmona, Bayan Muna Lagi at Dapat Angat Lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *