Naaresto ang isang suspek habang tinutugis pa ang apat na kasamahan nito makaraang holdapin at limasin ang gamit pera ng walong customer na kumakain sa isang restaurant sa Brgy Anabu 1D,Imus City, Cavite. Base sa report,Kinilala ang naaresto na suspek na si Lem John Rutaquio, nasa hustong gulang habang kinikilala naman ang isa pa na si Mark Randolph Crus, alyas “Macmac”, habang patuloy ang pa ang manhunt operation sa apat na iba pa na kapwa armado, at sakay ng tatlong motorsiklo. Batay sa ulat ni PSSG Edilberto Reyes ng Imus CPS, dakong alas-11:10 Lunes ng gabi nang naganap ang panghoholdap sa Samyupamore na matatagpuan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Barangay Anabu 1-D, Imus City, Cavite kung saan pumasok ang anim na armadong suspek na nagdeklara ng holdap sa mga customer at tinangay ang siyam na iba-ibang brand ng cellphone, P18,000 cash, at relo. Matapos tangayin nag mga nkulimbat at mabilis itong tumakas sakay ng tatlong motorsiklo patungong northbound direction ng Dasmarinas City, Cavite Ayon sa isinagawang follow up operation ng pulisya, nagsasawa sila ng backtracking kaugnay sa , namonitor sa area ng C5 Road sa Taguig City ang isa sa suspek na may hawak na iPhone na cellphone ng isa sa biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ni Rutaquio at motorsiklo na ginamit sa commission of the crime na ininguso naman si Cruz. Patuloy pang tinutugis ang IBA pang kasamahan ng naarestong suspek (MARGIE BAUTISTA)