Fake news sa WPS paimbestigahan -Jinggoy

NAGHAIN ng resolusyon si Senador
Jinggoy Ejercito Estrada para imbestigahan
ng Senado ang diumanoโ€™y disinformation
campaign patungkol
sa West Philippine Sea
na pinopondohan ng
isang dayuhang bansa.
Sa kanyang Senate
Resolution No. 910,
hinimok ni Estrada na
manguna ang Senate
Committee on Public
Information and Mass
Media na alamin ang
paglaganap ng mali at
walang batayang impormasyon tungkol sa
mga iligal na gawain
at panghihimasok ng
dayuhan sa karagatang sakop ng Pilipinas, na aniya ay hakbang para pahinain
ang makasaysayang
tagumpay ng bansa sa
Permanent Court of
Arbitration (PCA).
Hiniling ng
Senador na tukuyin
at suriin ang lawak ng
makinarya sa likod ng
disinformation campaign upang makabuo ng patakaran at
paraan para bigyan
solusyon ang usapin,
at buwagin ang network ng mga disinformation campaign.
Nabanggit din sa
resolusyon ang iniulat na disinformation campaign ng mga
opisyal ng gobyerno,
media outlets at maritime experts, maging
ang mga pagtatangka
diumano na ilihis ang
atensyon ng publiko sa
marahas na aksyon ng
China at ituon sa umanoโ€™y militarization
ng Vietnam sa WPS,
maging ang inilabas
na ulat ng US State
Department noong
Setyembre 28, 2023
sa umanoโ€™y paglalaan
ng China ng bilyun-bilyong dolyar kada taon
para sa kanilang taktika ng disinformation
at censorship para palabnawin ang isyu.
Kailangan ang
nagkakaisang kampanya laban sa fake
news, ang matibay na
diskarte ng gobyerno, pakikilahok at
edukasyon sa mamamayan para makatiyak
ng epektibong hakbang laban dito.
Ang pagpapanatili ng integridad ng
pambansang teritoryo at pagprotekta sa
ating mga karapatan
sa karagatan at pambansang sobera ay
mahalagang interes
para sa bansa, dagdag
pa ni Estrada.
(Benjie J. Murillo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜