Malugod na ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na sa ikalawang
sunod na taon ay kinilala ang ating City Environment and Natural
Resources Office(CENRO) bilang Hall of Fame
ng Department of Environment and Natural
Resources – Environmental Management
Bureau (DENR-EMB
4A) Region IV-A para sa
kanilang sustained exemplary practices nito
sa pagsulong ng isang
malinis at magandang
kapaligiran sa isinagawang Environmental
Summit 2023 sa Taal
Vista Tagaytay noong
Hulyo 21, 2023.
Kasabay nito ay kinilala rin si City Environmental and Natural
Resources Officer, Mr.
Rommel Peneyra, para
sa kaniyang patuloy na
dedikasyon sa aktibong implementasyon ng
mga aktibidad at programa alinsunod sa RA
9003 o Ecological Solid
Waste Management Act
of 2000.
C o n g r a t u l a t i o n s
sa lahat ng kawani ng
CENRO at pagsaludo
sa inyong dekalidad na
serbisyo publiko para
sa kaayusan ng ating
kapaligiran.(City Government of Carmona)