Cayetano sa mga opisyal ng Taguig: Responsibilidadang pagtuunan, hindi kapangyarihan

Hinamon ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang mga kapwa opisyal ng gobyerno sa Lungsod ng Taguig na tutukan ang pagtupad sa kanilang mga responsibilidad sa halip na bigyang-diin ang pagkakaroon ng kapangyarihan. Sa isang Facebook livestream noong Abril 24, 2023 pagkatapos ng pagdiriwang ng ika436 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Taguig, hinimok ni Cayetano ang mga opisyal na palaging ibigay ang kanilang “best” dahil ginagawa rin nila ito para sa Panginoon. “‘Pag kasi sinasabi ng politiko, ‘Panahon ko ngayon,’ para bang ang ine-emphasize ay y’ung power. Pero ang kailangan nating i-emphasize ay y’ung responsibility, aniya. Binanggit ng senador ang ilan sa mga dapat asikasuhin ng mga opisyal para sa kapakanan ng kanilang mamamayan. “Napaganda ba y’ung mga scholarship ng ating mga kabataan? Do the senior citizens feel that they’re productive at lahat ng pangangailangan nila [ay napupunan]? Ang PWDs ba natin, mas naging accessible [para sa kanila] ang ating parks at facilities?” pahayag niya.“Do the Taguigeños feel na kapag nagkasakit sila may matatakbuhan sila? Is our preventive care even better?” dagdag niya. Hiniling din ng senador sa mga Pilipino na ipanalangin ang mga taga-Taguig habang patuloy nilang pinagsusumikapang pairalin ang kulturang nais ng Panginoon at hindi ang kulturang gusto nila. “That’s why po ang ginagamit natin sa Taguig ay ‘I Love Taguig.’ If we love our neighbor, if we love God, if you love your city, dapat mahalin ka rin pabalik ng inyong siyudad,” pahayag niya. Nagpasalamat si Cayetano sa Diyos sa kanilang “Probinsyudad” bago magpasalamat sa kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano, na siyang namuno sa selebrasyon na ginanap kasabay ng flag ceremony ng pamahalaang lungsod katuwang ang iba pang mga opisyales. “Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa ating Probinsyudad, y’un pong magandang ugali ng probinsyano, y’un pong pagiging isang pamilya ng magkakapitbahay, pero y’ung modern amenities po ng isang siyudad,” wika ng senador. (PR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *