Cayetano sa kabataan: Kayo ay mahalaga

SA pagbubukas nitong Sabado ng Taguig Sports League ngayong taon, pinangakuan ni Senador Alan Peter Cayetano ang kabataang Taguigeño na hindi pababayaan ng Taguig ang kanilang mga pangangailangan para sa isang mahaba at malusog na buhay.

“I want your sports fest to begin there. I want you to understand that you are important to God, to us, and to Taguig,” mensahe ni Cayetano sa kabataan ng Lungsod sa opening program ng liga nitong  April 29, 2023.

Ang liga ay inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano at ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Lungsod.

Sa talumpati niya sa harap ng humigit-kumulang 10,000 na Taguigeño, tiniyak ng senador sa mga kabataan ng lungsod na hindi sila “saling-pusa” sa mga layunin ng Lungsod.

“Bakit natin ginagawa ang sports fest? Kasi gusto sana namin y’ung generation niyo, abutin niyo ang 500th year celebration ng Taguig. Sixty-four years from now, wala na kami, nandyan pa kayo,” wika niya.

“Sa Taguig po, lahat ay kinikilala at binibigyan ng halaga,” dagdag niya.

Kasama rin sa opening program sina Shaun Ildefonso ng Rain or Shine, Asi Taulava ng NLEX Warriors, Jeron Teng ng Converge Fiberxers, Poy Erram ng TNT Tropang Giga, Rachel Austero ng PLDT Hitters, Kathleen Faith Arado ng PLDT Spiker, Rhea Katrina Dimaculangan ng PLDT Spiker, at Jolly Co mula sa Jiu Jitsu PH National Team.

Hinimok ni Cayetano ang mga kabataang Taguigeño na iwasan ang mga bisyo at mga masasamang impluwensya.

Sa halip, kailangan aniyang magkaroon sila ng “right attitude” at matutong ilaan sa tama ang kanilang oras upang maabot nila ang kanilang buong potensyal.

Hinimok din ng senador ang mga kabataang Taguigeño na sulitin ang mga pasilidad sa Lungsod, lalo na ang mga sports amenities na ang naging inspirasyon aniya ay sila mismo.

“Kung mapaganda man natin itong Lakeshore at iba pang parte ng Taguig katulad noong gumanda ang BGC, Arca South, o McKinley, pero kung napunta naman tayo sa ilegal na droga, sa pagsusugal, [wala ring silbi],” ani Cayetano sa kabataan.

“Kayo ang inspirasyon namin ni Lani. Lahat ng itinatayo naming ito sa Taguig, hindi para sa amin ito – para sa inyo,” dagdag niya. PR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *