Ipinasilip ng CAVITEX ang kalagayan ng isinasagawang CAVITEX C5 Link Segment 2 (R1 Interchange) noong Pebrero 27.
Halos 70% na itong tapos at posible nang buksan ito sa mga motorista sa ikalawang quarter ng taong 2024. Asahan na magiging mas mabilis ng sampung minuto ang byahe mula Sucat Road hanggang CAVITEX R-1 (vice versa) sa oras na ito ay mabuksan na sa madla.(GOCAVITE)