Ginanap ang Calamba City Peace and Order Summit noong Martes, February 20, 2024 sa Jose Rizal Coliseum Convention area, sa pangunguna ng PNP Calamba Component City Police Station na nasa ilalim ng pamumuno ni Calamba CCPS Chief of Police PLTCOL Milany E. Martirez.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Calamba City Mayor Roseller βRossβ H. Rizal na mahalaga ang pagiging handa ng mga kawani ng Barangay sa pag-harap sa anumang uri ng sakuna at krimen. Binigyang diin naman ni Laguna Provincial Police Office Acting Provincial Director PCOL Gauvin Mel Y. Unos ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga Barangay Tanod at ng mga Pulis sa pagpapanatili ng katahimikan sa pamayanan.
Nagpahayag rin ng kanilang suporta sa programa sina City Councilor and Chairperson on Peace and Order, Fire Prevention and Public Safety and Welfare Arvin L. Manguiat, City Councilor and Calamba City Liga ng mga President Pio C. Dimapilis, at DILG Calamba City Local Government Operations Officer Jennifer S. Quirante.
Sa training proper, tinalakay ni Office of the City Prosecutor Officer-in-Charge Atty. James E. Villanueva ang nilalaman ng Katarungang Pambarangay. Tinalakay naman ni Task Force Ugnay Operation Officer CPT Cecilio T. Gunhuran II (INF), PA ang tungkol sa Stable Internal Peace and Security (SIPS). Nagkaroon rin ng demonstration ng explosive devices si Project A.B.K.D (Awareness of Bombs that Kill Lives and Destroys Properties) PMAJ Danny C. Yasay sa kanyang paksa tungkol sa bomb awareness and safety. (CALAMBA CITY LIPESO/MARRA VILLEGAS)