CALABARZON Regional Alliance Building

Nakiisa
ang Pamahalaang
Panlalawigan ng
Batangas, kasama
ng ibang panlalawigang pamahalaan,
pamahalaang panglungsod at regional line agencies
sa Cavite, Laguna,
Batangas, Rizal at
Quezon provinces
(CALABARZON)sa
ginanap na Regional Alliance Building
sa Development
Academy of the Philippines (DAP), Tagaytay City, Cavite noong Setyembre
6-7, 2023kung saannaglatag ang mga local government units (LGUs) ng mga
“high-impact projects” na maaaring pagtulungan ng mga ahensya at LGUs para
makamit ang layuning pag-unlad ng rehiyon.Inihain ng Batangas Provincial
Team ang mga proyektong: Provincial Medical Center in Tuy, Batangas; Replacement of Maturing and Senile Coconut Trees in San Juan; Sea Salt Production;
Artificial Insemination Facility; Animal Shelter and Quarantine Facility; Affordable Housing; ICT Project; at, Cultural Heritage Preservation. Kabilang sa mga
dumalong opisyal ay sina Wilfredo D. Racelis (Provincial Administrator at OIC
Provincial Planning and Development Office), Dr. Rodrigo Bautisa, Jr. (Provincial
Agriculturist); Dr. Romelito Marasigan (Provincial Veterinarian); Jaida Castillo
(Provincial Tourism and Cultural Affairs Assistant Department Head), at Marisa
Mendoza (PPDO Assistant Department Head). (Benjie J. Murillo / MeAn Maldonado – PPDO / Batangas Capitol PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *