BJMPRO-NCR RD TANGERES NAGBIGAY PARANGAL SA MGA NATATANGING KAWANI

Pinarangalan ni Bureau of Jail Management and Penology Regional Office National Capital Region (BJMPRO-NCR) Director C. Supt. Clint Russel A. Tangeres (gitna, nakaupo), ang mga natatanging mga kawani ng ahensiya dahil sa mga kahanga-hanga at natatanging dedikasyon sa serbisyo publiko. Kasama sina Sr. Supt. Roger D. Antonio, Assistant Regional Director for Administration at Supt. Emmanuel A. Tolentino, Chief Directorial Staff, iginawad ni Tangeres ang mga Medalya ng Paglilingkod (BJMP Long Service Medal) sa may 11 jail officers, Medalya ng Paglilingkod sa Luzon (Luzon Service Medal) sa 20 kawani, at 7 Medalya ng Mabuting Asal (Good Conduct Medal) sa iba pang tauhan sa natatanging pagganap ng tungkulin sa pinakamataas na pamantayan at kahusayan. Inanunsiyo din sa naturang seremonya na ginanap sa BJMPRO-NCR Headquarters, Lungsod Quezon noong Agosto 23, 2023 ang pagsimula ng pagsasanay sa High Risk PDL Transport Training (HRPTT) na pangungunahan ni C. Insp. Jean Olive G. Unciano, hepe ng dibisyon sa operasyon. (Benjie J. Murillo / BJMPRO-NCR Photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *