Muling binigyang-buhay ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaluyong City ang programang BIDA Ka Fire Square Roadshow sa paglulunsad nito sa Jose Fabella Memorial High School noong Agosto 17, 2023, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-32 Anibersaryo ng BFP. Ayon kay Mandaluyong City Councilor Benjamin โBenjieโ Abalos III (ikaapat mula sa kanan, nakatayo), panauhing pandangal sa okasyon, napakahalaga ng programang nagbigay sa mga kabataang mag-aaral, boy at girl scouts, nang napapanahong kaalaman at kasanayan tungkol sa: collapse structure; uri at paggamit ng mga rescue tools and equipment; basic kitchen fire suppression; cardio pulmonary resuscitation at foreign body airway obstruction; knot-tying; at, fire prevention tips. Dumalo din sa programa sina Office of the Vice-Mayor Chief of Staff Jimmy Isidro, BFP-NCR Director C. Supt. Nahum B. Tarroza, BFP Mandaluyong City Fire Director Supt. Nazrudyn M. Cablayan, Mandaluyong Scout Council Executive Dr. John Dee De Guzman, at iba pang opisyal ng BFP. (Benjie J. Murillo / BFP-NCR Photo)