Biñan City
–Pinasinayaan ng
pamahalaang lungsod ng Biñan
ang bagong gusali ng
Polytechnic University
of the Philippines (PUP)
– College of Information
Technology and Engineering (CITE) sa Barangay Canlalay, Biñan City
ngayong araw, Pebrero
2, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Biñan
at ika-14 taong Cityhood
Anniversary ng lungsod.
Pinangunahan nina
Mayor Atty. Arman
Dimaguila, Vice Mayor
GEL Alonte at Councilor
Dada Reyes ang isinagawang inagurasyon na
dinaluhan din ng mga
kawani at opisyal ng
PUP Biñan, Department
of Education (DepEd)
Schools Division of
Biñan, city department
heads, ilang mga magaaral at mga miyembro
ng media.
Ayon kay Mayor Dimaguila, ito ang
nakikitang paraan ng
lungsod upang makapagbigay ng de-kalidad
na edukasyon para sa
mga nangangailangang
estudyante o sa mga
walang kakayanan na
makapag-kolehiyo, bukod pa sa tulong ng lokal
na pamahalaan sa Iskolar ng Biñan program.
Matapos ang inagurasyon, nagdaos ng
isang press conference
ang mga lider ng lokal
na pamahalaan upang
ibahagi ang mga naging programa, proyekto,
mga ordinansa at resolusyon na naipasa para
sa patuloy na progreso
at pag-unlad ng lungsod
ng Biñan.
ipirinisinta rin ni
Mayor Arman Dimaguila ang kanyang mga
accomplishment gayun
din si vice Mayor Gel
Alonte at konsihala
Dada Reyes.
(ROSELLE AQUINO)