STA. CRUZ, Laguna – Pinangunahan ni G o b e r n a d o r
Ramil L. Hernandez
ang panunumpa sa katungkulan ng bagong talagang pangulo ng ALSWDOPI o Association
of Local Social Welfare
and Development Officers of the Philippines,
Inc.-Laguna Chapter na
ginanap sa panlalawigang kapitolyo nang
ika-19 ng Pebrero 2024.
Si Gng. Aileneth
C. Desiderio ng MSWDO-PILA ang nahirang
na Pangulo na mangunguna sa 24 na bayan at 6
na lungsod sa lalawigan.
Pinagkalooban din sila
ni Gob. Hernandez ng
kagamitan tulad ng laptop, camera, hard drive
at iba pa na gagamitin
para sa programa ng
Online Sexual Abuse and
Exploitation of Children
(OSAEC).
Ang tanggapan ng
Provincial Social Welfare and Development
(PSWDO) ang gumagampan sa programa na
naayon sa Republic Act
No. 11930 o mas kilala
sa โAnti-Online Sexual
Abuse and Exploitation
of Children (OSAEC)โ
and Anti-Child Sexual
Abuse or Exploitation
Materials (CSAEM) Act.
Layon nito na palakasin ang pagsisikap
tungo sa pag-iwas at
proteksyon ng mga bata
mula sa panganib at
pang-aabuso sa digital
world.
(J. Coroza, photo:
Jun Sapungan/Laguna
PIO)