BAGONG FACTORY NG UNILEVER, MALAKI ANG KONTRIBUSYON SA EKONOMIYA, PAGLIKHA NG TRABAHO.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga ang pagbubukas ng ‘Beauty, Well-Being, and Personal Care’ manufacturing facility ng Uniliver sa Gateway Business Park, City of General Trias, Cavite. Ang bagong pasilidad ay isa sa mga investment deals na nakuha ni Pangulong Marcos sa kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Unilever sa sideline ng Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit sa Brussels, Belgium noong Disyembre 2022. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang inaasahang kjontribusyon ng state-of-the-art facility ng Unilever sa manufacturing sector gayundin sa paglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino. “It is a truly welcome development for our shared efforts to strengthen the manufacturing sector and to ultimately create jobs and gainful opportunities for our people,” ani Pangulong Marcos. Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa Unilever sa tiwala at kumpiyansa na mamuhunan ito sa bansa. Tiniyak naman ng Pangulo ang suporta ng pamahalaan sa mga plano pang pagpapalawak ng kumpanya sa iba pang bahagi ng bansa. Inihayag din ni Pangulong Marcos na makakatulong ang Unilever at bagong manufacturing facility nito sa socioeconomic agenda ng pamahalaan lalo na pagdating sa paglikha ng trabaho, pagpapatibay ng research at development gayundin sa pagpapaunlad ng blue at green economy. “Through our coordinated and synergize efforts, this will lead towards realization of this administration’s socioeconomic agenda. I have faith that we can actualize the goals of boosting employment, adopting research, development and innovation and shaping a blue and green economy,” ani Pangulong Marcos. Kasunod nito ay pangungunahan din ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng bigas sa mahigit 1,200 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Barangay Santiago Sports Complex.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *