sahe, binigyang diin ni
Pangulong Marcos ang
inaasahang kjontribusyon ng state-of-the-art
facility ng Unilever sa
manufacturing sector
gayundin sa paglikha ng
maraming trabaho para
sa mga Pilipino. “It is a
truly welcome development for our shared efforts to strengthen the
manufacturing sector
and to ultimately create
jobs and gainful opportunities for our people,”
ani Pangulong Marcos.
Nagpaabot din ito ng
pasasalamat sa Unilever
sa tiwala at kumpiyansa
na mamuhunan ito sa
bansa. Tiniyak naman
ng Pangulo ang suporta
ng pamahalaan sa mga
plano pang pagpapalawak ng kumpanya sa iba
pang bahagi ng bansa.
Inihayag din ni Pangulong Marcos na makakatulong ang Unilever at
bagong manufacturing
facility nito sa socioeconomic agenda ng pamahalaan lalo na pagdating
sa paglikha ng trabaho,
pagpapatibay ng research at development
gayundin sa pagpapaunlad ng blue at green
economy. “Through our
coordinated and synergize efforts, this will
lead towards realization
of this administration’s
socioeconomic agenda.
I have faith that we can
actualize the goals of
boosting employment,
adopting research, development and innovation and shaping a blue
and green economy,”
ani Pangulong Marcos.
Kasunod nito ay pangungunahan din ni
Pangulong Marcos ang
pamamahagi ng bigas sa
mahigit 1,200 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program
sa Barangay Santiago
Sports Complex.
(MARGIE BAUTISTA)