Kalunos lunos ang sinapit ng isang 4th
year criminology student matapos umanong
sumalang sa initiation
rites ng isang fraternity
kahapon, Oktubre 16.
Ayon sa ulat, kinilala ng mga awtoridad ang
nasawing biktima na si
Ahldryn Leary Bravante,
25, residente ng Imus,
Cavite.
Si Bravante ay sumasailalim umano na
hazing ng Tau Gamma
Phi PCCR chapter na
isinagawa sa isang abandonadong gusali sa Sto.
Domingo Avenue kanto
ng Calamba St., Quezon
City bandang alas-2:00
ng hapon.
Makalipas umano
ang dalawang oras ay
nawalan ng malay ang
biktima kaya agad itong
isinugod sa Chinese
General Hospital ngunit
idineklara na itong dead
on arrival.
Kaugnay nito, hawak na ngayon ng Quezon City Police District
(QCPD) ang apat na
ka-eskwela ni Bravante
at sinasabing kasama
sa naganap na initiation
rites. Dalawa raw sa
mga ito ang nagdala sa
biktima sa ospital.
S a m a n t a l a ,
pinaghahanap pa ang
nasa mahigit 10 katao
na may kinalaman din
sa nangyaring hazing.
Sa mga larawan,
makikitang namamaga
at halos mangitim na
ang hita ng biktima dahil sa matinding palo.
May mga sugat at paso
rin ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Hustisya naman ang
sigaw ng mga kaanak ng
biktima.
“Nakikiusap lang
talaga ako, hustisya lang
po, danyos, lahat ng
gagastusin ng anak ko
gawin nila. Atsaka dapat
makulong sila. Lahat
sila makulong,” pahayag
ng ama ng biktima.(GOCAVITE)