Matagumpay na idinaos ng Caloocan City Fire Station, Bureau of Fire Protection National Capital Region ang โ1st Mayor Dale Gonzalo R. Malapitan Fire & Rescue Paralympics 2023โ na ginanap sa Buena Park, UE Subdivision, Lungsod ng Caloocan, noong June 26, 2023. Batay sa tala, kadalasang biktima ng pagkasawi ang mga person with disability (PWD) o mga taong may kapansanan hindi dahil sa wala silang kakayahan, kung hindi dahil walang sapat na kaalaman para makaligtas sa sunog at ibang panganib. Ang ibaโt-ibang pangkat ng nagtunggaliang PWDs ay naglaban at sinamay sa mga paligsahan, gaya nang: Flammable Liquid Fire Extinguishment, Emergency Rescue Transfer, Obstacle Survival at Firemanโs Game, kung saan natuto ang mga lumahok ng mga wastong paraan kung paano maililigtas ang kanilang sarili sa oras ng sakuna. Makikita ang overall champion Blue Team, kasama sina Caloocan City Mayor Dale Gonzalo R. Malapitan, PDAO officer-in-charge Michael B. Ramos, BFPNCR Director C. Supt. Nahum B. Tarroza, BFPNCR Assistant Regional Director for Administration Sr. Supt. Ronel M. Maltezo, Assistant Regional Director for Operation Sr. Supt. Rodrigo N. Reyes, District II Fire Director Sr. Supt. Douglas M. Guiyab, Caloocan City Fire Director Supt. Jeffrey M. Atienza, at iba pang mga opisyales. (Benjie J. Murillo / BFP Caloocan Photo)